In order to use Sutori, you must enable Javascript in your browser. You can find instructions on how to do this here.

Pagsusuri: Si Nyaminyami, Ang Diyos ng Ilog Zambezi | Sutori

To print the story please do so via the link in the story toolbar.

P4

Pagsusuri: Si Nyaminyami, Ang Diyos ng Ilog Zambezi

 Mga Miyembro:

Marc Jerald Alvin Aldover

Jasmine Garganta

Ma. Janea Teresa Llanes

Nery Medina

Florie Belle Monteclaro

MGA KATANUNGAN:

1. Anong hiwaga ang itinatago ng napakagandang Ilog Zambezi? Ano-ano ang mga patunay sa sinasabi ng mga taga Tonga o Ba Tonga na may isang diyos ngang naninirahan at nagbabanatay sa ilog na ito?


Hiwagang hindi pangkaraniwan na magpahanggang ngayon ay pinaniniwalaan ng marami. Ang mga Kabutihan at mga baha at iba pa ang nag papatunay na may naninirahan at nagbabanray sa ilog.

2. Sa paanong paraan naman namuhay ang mga mamamayan ng tribung Tonga o Ba Tonga sa tabi ng Lawa ng Kariba noong unang panahon?

Namuhay ang mga mamamayan ng tribung Tonga sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mapayapang pamumuhay. Nasabi rin na pinoprotektahan ni Nyaminyami ang mga tribung Tonga dahil iginagalang pa rin nila si Nyaminyami dahil sa taglay na kabutihan nito kaya para sa mga mamamayan ligtas sila at kampante na hindi sila sasaktan ni Nyaminyami.

3. Paano sila nakipamuhay sa diyos ng ilog na si Nyaminyami? Bakit sila naniniwalang pinoprotektahan sila nito? naki pamumuhayang mga tao sa diyos ng ilog ng matiwasay dahil sa paggalang at pag-aalaga nila dito binibi b hayaan din sila ng diyos na si nyaminyami at naniniwala sila protektahan sila nito na kinikilala bilang isang diyos

Nakipamuhay ang mga tao ng mapayapa sa diyos ng ilog sapagkat binibigyang galang nila ito. Naniniwala silang pinoprotektahan sila ni Nyaminyami dahil isa siyang diyos at para sakanila ay may taglay siyang kabaitan.

4. Bakit labis nilang ikinagulat at mariing tinutulan ang mga pagtatayo ng dam? Ano ang naging epekto nito sa kanilang pamumuhay?

Dahil sa lubos na paggalang nila kay Nyaminyami at dahil alam nilang magagalit ang diyos kapag tinuloy nila ang pagtatayo ng dam. Hindi maganda ang naging epekto nito sa kanilang pamumuhay dahil sa pagtuloy na pagtayo ng dam, nagalit si Nyaminyami at naranasan nila ang mga kalamidad na dulot ng galit nito. Nasira ang kanilang mga tahanan at may mga hayop rin na nasawi.

5. Ano-anong mga kalamidad ang nangyari sa lugar na naging dahilan kung bakit muntik-muntikan nang hindi matapos ang pagtatayo ng dam? Bakit kay Nyaminyami iniuugnay ang mga kalamidad na ito? Sa iyong palagay, may katotohanan kaya ang mga ito? Ipaliwanag.

Ang mga kalamidad na nangyari sa lugar ay pagkakaroon ng bagyo at napakalaking pagbaha sa buong lambak ng Zambezi. Kay Nyaminyami iniuugnay ang mga kalamidad na ito dahil sa tindi ng galit niya sa mga manggagawa na kahit may nararanasan na itinuloy pa rin ang pagtayo ng dam kaya mas lalong lumakas ang pagbaha. Para sa akin, may katotohanan na si Nyaminyami ang nagdulot ng kalamidad na nangyari dahil kung sa simula pa lang ay nakinig na ang mga manggagawa sa mga mamamayan na huwag na magtayo ng dam sa gitna ng bato kung saan nakatira si Nyaminyami ay sana hindi nangyari ang kalamidad na nagkaroon pa ng hindi inaasahang pangyayari sa mga manggagawa na namatay at sa asawa ni Nyaminyami na nadamay.

6. Ano nga ba ang mga sinasabing naging dahilan sa labis ma pagkagalit ni Nyaminyami sa mga taong nagpasimula sa paggawa ng dam? Makatwiran bang makadama siya ng ganito para sa mga taong iyon? Ipaliwanag.

Ang Dahilan nang labis na pagkagalit ni Nyaminyami ay ang pakikialam ng mga pangagagawa sa ilog na kanilang tinitirahan magasawa pati narin ang pagpapalipat nila nang bahay sa mga nakatirang mamamayan na naniniwala sa kanya. Isa pang dahilan nang kanyang galit ay ang pagbaliwala sa kanya nang mga manggagawa at tinawanan lamang nila ang babala nang mga tao sa Tonga. Kung ako ang tatanungin, makatwiran naman ang kanyang nadama ngunit dapat naging mas mainahon siya pero di rin natin masisi si Nyaminyami sapagkat wala tayo sa kanyang kalagayan.

Paano nagbago ang takbo ng buhay ni Crtomir nang dahil sa pagiging Krsitiyano ng kanyang kasintahan?

  1. Ikonsidera ang paniniwala ng iba. Huwag gagawing katatawanan ang paniniwala ng ibang tao. Gaya ng sinabi sa istoryang ito, binalaan ng mga tao ang mga manggagawa na itigil ang kanilang gagawin dahil baka magalit ang diyos na si Nyaminyami. Natutunan ko dito na lahat tayo ay may iba't ibang paniniwala sa iba't ibang bagay. At kung tayo ay pagtatawanan ng dahil sa ating mga paniniwala hindi rin natin ito magugustuhan at mararamdaman din natin ang pagkakainsulto.
  2. Respetuhin ang desisyon ng mga mamamayan bago gumawa ng desisyon na makapagbabago sa Lugar kung saan sila nasanay o lumaki upang manirahan.
  3. Huwag pagsamantalahan ang kabaitan ng kung sino man dahil kung hindi man sila ang gaganti sa iyo maaaring ang tadhana ang gumawa ng paraan upang maghiganti dahil sa ginawa nating pagkakamali na maaring nakasira sa ibang tao.
  4. Maaaring madamay ang ibang tao sa pagiging makasarili ng iba. Katulad na lang ng pagsasawalang bahala ng mga manggagawa sa babala ng mga mamamayan. At dahil doon nadamay sa trahedyang nangyari ang mga inosente.